SUMAYAW SUMABAY
Verse 1:
Diba't kay saya
Diba't kay gandang magpuri
Sa Diyos Ama
Sa bawat galaw
Sa bawat sayaw
Langit ay nadarama
Pre-Chorus:
Di ko kayang pigilin
Ang pagdiriwang ng damdamin
Sumayaw sumabay sa awitin
Ang Diyos ay sambahin
Chorus: - (2X)
Papuri sa Diyos ay awitin mo
Sumayaw sumabay sa tugtuging ito
Papuri sa Diyos ay awitin mo
Sumayaw at mag-awitan tayo
Verse 2:
Limutin mo na
Ang iyong problema
Ngayon ang oras para magsaya
Ang puso mo ay muling lalakas
Ang buhay mo ay sasaya
Pre-Chorus:
Di ko kayang pigilin
Ang pagdiriwang ng damdamin
Sumayaw sumabay sa awitin
Ang Diyos ay sambahin
Chorus: - (2X)
Papuri sa Diyos ay awitin mo
Sumayaw sumabay sa tugtuging ito
Papuri sa Diyos ay awitin mo
Sumayaw at mag-awitan tayo