theworshipsongs
NANG SI HESUS AY TANGGAPIN




NANG SI HESUS AY TANGGAPIN



Verse 1:

Noong wala Ka pa sa buhay ko
Kalungkuta'y laging nadarama
Di maisip pagbabago ng buhay
Dulot nito'y kagalakang tunay


Verse 2:

Nang Ikaw ay tanggapin sa buhay ko
Anong saya aking nadarama
Di mapigil ang pag-agos ng luha
Dahil sa kakaibang nadarama


Chorus:

Nang Ikaw ay tanggapin
Ang Iyong hiwaga'y namalas
Nang Ikaw ay tanggapin
Buhay ko ay nagbago
Nang Ikaw ay tanggapin
Puso'y puno ng kagalakan
Kapayapaa'y dulot Mo
Nang Ikaw ay dumating


Verse 3:

Ang buhay ko ngayo'y may halaga
Mula nang maghari sa puso ko
Mananatili ang Iyong kaharian
Dito sa puso ko ay manahan


Verse 4:

Ikaw at ako'y nagkakaisa
Tulad ng puno na may sanga
Ang tao'y kailanga'y si Hesus
Kaluluwa'y pupunuin Niya


Chorus: - (2X)

Nang Ikaw ay tanggapin
Ang Iyong hiwaga'y namalas
Nang Ikaw ay tanggapin
Buhay ko ay nagbago
Nang Ikaw ay tanggapin
Puso'y puno ng kagalakan
Kapayapaa'y dulot Mo
Nang Ikaw ay dumating


Tag:

Kapayapaa'y dulot Mo
Nang Ikaw ay dumating
Kapayapaa'y dulot Mo
Nang Ikaw ay dumating




also see:




RELATED SONGS: