theworshipsongs
DAKILANG KATAPATAN
- Arnel De Pano -




DAKILANG KATAPATAN
By: Arnel De Pano



Verse 1:

Sadyang kay buti ng ating Panginoon
Magtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila man
Ng ating pagkukulang
Biyaya Nya'y patuloy na laan


Verse 2:

Katulad ng pagsinag ng gintong araw
Patuloy S'yang nagbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko't damdamin
Katapatan Nya'y aking pupurihin


Chorus 1:

Dakila Ka O Diyos
Tapat Ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man
Maaasahan Kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay


Verse 3:

Kaya O Diyos Ika'y aking pupurihin
Sa buong mundo'y aking aawitin
Dakila ang Iyong katapatan
Pag-ibig Mo'y walang hanggan


Chorus 1:

Dakila Ka O Diyos
Tapat Ka ngang tunay
Magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man
Maaasahan Kang lagi
Maging hanggang wakas nitong buhay


Chorus 2:

Dakila Ka O Diyos
Sa habang panahon
Katapatan Mo'y
Matibay na sandigan
Sa bawat pighati
Tagumpay man ay naroon
Daluyan ng pag-asa
Kung kailanga'y hinahon
Pag-ibig Mo'y alay sa amin
Noon hanggang ngayon
Dakila Ka
O Diyos




also see:




RELATED SONGS: